Sa aking paglalakbay patungo sa lugar na ito sa loob ng isang linggo, madami akong nakakaharap na mga sitwasyon na kung saan ay nasusubok ang aking pasensya at buong pagkatao, Isa sa aking naaalala ay ang pagsakay sa pampublikong sasakyan kung saan ay may iba't-ibang nagaganap, Una ay ang pangkaraniwang siksikan na halos ayaw ka ng paupuin ng mga pasaherong nadatnan mo sa jeep, nakakalungkot kasi parang di na uso sa Pinoy ang pagiging "gentle man",hahayaan ka lang na parang naka squat na paupo pag nag preno ang mamang driver siguradong sa sahig ka na nakaupo.Isa pa ay ang sobrang lakas magpatugtog ng mamang kundoktor kahit alam nya na sabog ang tunog ng kanyang speaker. Sa sobrang lakas di ka na marinig pag nagsabi ka ng "para" , isa pa "mama para na po", di ka parin marinig, kaya isa pa na pasigaw "MAMA PARA NA SABI EH", sa wakas tumigil na rin, pero ang malungkot ang mamang driver pa ang GALIT. Isa na lang po, ang ilan po sa ating makikisig na mamang driver ng jeep (di ko po nilalahat )ay madalas po holdaper , ewan ko po ba bakit Iba't-iba ang singil sa pamasahe gayung isang ruta lng naman, at ang masakit sa kalooban kung ikaw ay magsasabi ng "mama kulang po ang sukli", ang isasagot sa inyo ay "ikaw na kaya ang magmaneho" o diba ma gagalang sila.
Kung iisipin nyo balewala pero diba masusubok ang inyong pasensya sa mga gantong pagkakataon ,Minsan nakakatawang isipin lalo na kung hindi sa atin nangyari .....pero pano kung sa atin nangyari? ano ang ating magiging reaksyon ?
Magbaon lagi ng Isang malaking Ngiti sa Labi at isang supot na pasensya.......
No comments:
Post a Comment